Posts

Showing posts from May, 2020

PANAHON by Dodong.senpai

Image
Akala ko noong una hindi ako akma sa panahong ito Yung tipong nabibilang ako sa ibang panahon Na kahit anong gawin ko, hnd ako makasabay sa agos ng buhay dito Na baka nagtime travel ako at hindi talaga ito ang panahon ko Kasi naman, kahit anong gawin ko, wala hindi talaga ako fit sa panahong ito Pero... Pero nabago lahat ng iyon Nabago ako Tama, sarli ko pala ang lumalayo sa panahong ito Nasa tamang panahon pala ako Dahil dito, sa panahong ito makikita mo ako Oo, ikaw nga Ikaw na nagsabi na panahon natin to Ikaw na nagbibigay init sa mga panahong naglalamig na ako Ikaw na nagpaulit ulit bumubulog nasa tamang panahon ako Ikaw na nagsabi at patuloy na nagsasabi na mahal kita Na sa tuwing naririnig ko ang dalawang salitang iyan Isa lang ang naaalala ko Nasa tamang panahon pala ako

Bangungot Ng Nakaraan by Patrick Estacio

Image
Madaling araw na pero hindi parin ako tulog, nagpasya akong lumabas para magpahangin, sa aking nakita'y nagising ang puso kong kay tagal na tulog, hindi ako nakakita ng multo, pero ako'y nagulat sa nakita ko, ikaw ay nasa labas ng aking pinto, nakangiti pero maluha luha na, niyakap kita at tinanong kung ayos ka lang ba, pero bigla mo akong sinaksak, damang dama ko ang patalim sa aking dibdib, ang ingay ng dugo na sumisirit, dahan dahan akong bumagsak sa sahig, maraan mong hinaplos ang aking mukha, wala akong naririnig pero nakita ko ang pagbukas ng iyong bibig, ang pagsabi mo sakin na, Hindi mo na ako mahal, ang mga salitang diko akalaing maririnig, ang mga mata mo na sing ganda ng mga tala na siyang bumulag saakin, na hindi ko rin akalain na siyang papatay saakin, unti unti kang naglalakad palayo, habang ang luha at ang dugo ko ay naghalo, ikaw ay aking minamasdan habang ikaw ay naglalaho, unti unti akong gumising sa masamang panaginip na ito, nakatulog na pala ako, per...