PANAHON by Dodong.senpai


Akala ko noong una hindi ako akma sa panahong ito
Yung tipong nabibilang ako sa ibang panahon
Na kahit anong gawin ko, hnd ako makasabay sa agos ng buhay dito
Na baka nagtime travel ako at hindi talaga ito ang panahon ko
Kasi naman, kahit anong gawin ko, wala hindi talaga ako fit sa panahong ito
Pero...
Pero nabago lahat ng iyon
Nabago ako
Tama, sarli ko pala ang lumalayo sa panahong ito
Nasa tamang panahon pala ako
Dahil dito, sa panahong ito makikita mo ako
Oo, ikaw nga
Ikaw na nagsabi na panahon natin to
Ikaw na nagbibigay init sa mga panahong naglalamig na ako
Ikaw na nagpaulit ulit bumubulog nasa tamang panahon ako
Ikaw na nagsabi at patuloy na nagsasabi na mahal kita
Na sa tuwing naririnig ko ang dalawang salitang iyan
Isa lang ang naaalala ko
Nasa tamang panahon pala ako

Comments

Popular posts from this blog

Bangungot Ng Nakaraan by Patrick Estacio

Ang Huling Ikaw