Ang Huling Ikaw
Sa mundong ito, isa lang ang hinahanap at patuloy na hinahanap ng tao
Ang isang tunay na pagmamahal.
Kahit na walang sigurado sa mundong ito
Kapag nahanap mo na ang tunay na pagmamahal … okay na,. panalo na,. tapos na ang laban.
Subalit maraming hakbang, balakid, problema ang
kakaharapin mo
Maraming tao, iba’t-ibang klase ng tao, Iba’t-ibang lugar, iba’t-ibang taon, at iba’t-ibang klase ng tanong.
Mahirap mahanap ang tunay na pagmamahal
pero tumingin ka sa tass kasi naduon ang tunay na
banal.
Ako? Nahanap ko na, malayo man pero alam kong ito
na iyon.
Siya na at wala ng iba.
Paano? Ipinagdasal ko, walang imposible kapag
naniniwala ka.
Bakit? Kasi lahat ng tao may nakalaan para sa isat-isa at siya na iyon … siya na iyong para sa akin.
Nung una, hindi ako sigurado,
Dahil ako’y problemado.
Kasi ayokong madehado,
At mahalin siya ng masyado.
Pero naging sigurado at ako’y naging panalo.
Aso at pusa man kami’y ilarawan
Pero ito’y magandang larawan
Na sa buwan at araw kami’y hindi magiiwanan
Marami man kaming problema, sa sarili, sa pamilya,
sa mga taong nakapaligid sa amin.
Sinusubok kami at pilit kaming tinatalo
Pero dahil kami’y sigurado
Sila’y matatalo
Pangako’y hindi mapapako,
Na sayo’y mangangako na tayo’y hanggang dulo.
Ayoko na sa iba, kasi nariyan kana
Wala naman na akong hinihiling pa, kasi sayo’y sapat na.
Hindi ko nakikita ang sarili ko na hawak ang ibang
kamay,
Dahil alam kong ika’y kadamay
Sa iba’t-ibang paglalakbay
At ang puso’y ibibigay.
Kaya’t puso ko’y pakaingatan,
Dahil ayokong masaktan.
Sa pangmatagalang kalungkutan,
Dahil alam kong sayo’y inilaan.
Ako’y sayo lamang, mula una pa lamang
At ito’y pakakatandaan
Na sa huli’y ika’y papakasalan.

Comments
Post a Comment