Bangungot Ng Nakaraan by Patrick Estacio
Madaling araw na pero hindi parin ako tulog,
nagpasya akong lumabas para magpahangin,
sa aking nakita'y nagising ang puso kong kay tagal na tulog,
hindi ako nakakita ng multo,
pero ako'y nagulat sa nakita ko,
ikaw ay nasa labas ng aking pinto,
nakangiti pero maluha luha na,
niyakap kita at tinanong kung ayos ka lang ba,
pero bigla mo akong sinaksak,
damang dama ko ang patalim sa aking dibdib,
ang ingay ng dugo na sumisirit,
dahan dahan akong bumagsak sa sahig,
maraan mong hinaplos ang aking mukha,
wala akong naririnig pero nakita ko ang pagbukas ng iyong bibig,
ang pagsabi mo sakin na,
Hindi mo na ako mahal,
ang mga salitang diko akalaing maririnig,
ang mga mata mo na sing ganda ng mga tala na siyang bumulag saakin,
na hindi ko rin akalain na siyang papatay saakin,
unti unti kang naglalakad palayo,
habang ang luha at ang dugo ko ay naghalo,
ikaw ay aking minamasdan habang ikaw ay naglalaho,
unti unti akong gumising sa masamang panaginip na ito,
nakatulog na pala ako,
pero ang pagsaksak at pag iwan mo saakin ang mga eksenang nanatiling totoo,
ang ala ala ng kahapon ay nananatili parin dito,
matutulog nalang ulit ako,
baka sakaling pag gising ko,
magising narin ako sa katotohanan na wala na talagang tayo.

Comments
Post a Comment