PANAHON by Dodong.senpai
Akala ko noong una hindi ako akma sa panahong ito Yung tipong nabibilang ako sa ibang panahon Na kahit anong gawin ko, hnd ako makasabay sa agos ng buhay dito Na baka nagtime travel ako at hindi talaga ito ang panahon ko Kasi naman, kahit anong gawin ko, wala hindi talaga ako fit sa panahong ito Pero... Pero nabago lahat ng iyon Nabago ako Tama, sarli ko pala ang lumalayo sa panahong ito Nasa tamang panahon pala ako Dahil dito, sa panahong ito makikita mo ako Oo, ikaw nga Ikaw na nagsabi na panahon natin to Ikaw na nagbibigay init sa mga panahong naglalamig na ako Ikaw na nagpaulit ulit bumubulog nasa tamang panahon ako Ikaw na nagsabi at patuloy na nagsasabi na mahal kita Na sa tuwing naririnig ko ang dalawang salitang iyan Isa lang ang naaalala ko Nasa tamang panahon pala ako